-- Advertisements --

Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pangangailangang patuloy na palakasin at gawing moderno ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasabay sa nagbabagong sitwasyon sa seguridad sa rehiyon at sa buong mundo.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Department of National Defense para sa 2027, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng paghahanda sa mga makabagong uri ng pakikidigma, kabilang ang cyber warfare.

Ayon sa senador, mahalagang magkaroon ang militar ng mga kinakailangang kagamitan at sistema upang maging handa sa mga posibleng banta at sigalot.

Bukod sa pagtatanggol sa bansa, sinabi rin ni Gatchalian na mahalagang palakasin ang kakayahan ng AFP na tumugon sa mga kalamidad, lalo na sa pananalasa ng malalakas na bagyo at iba pang malawakang sakuna.

Dahil dito, sinuportahan niya ang pagbibigay ng karagdagang kapasidad sa militar at iginiit na dapat maging tuloy-tuloy at napapanatili ang suporta sa modernisasyon nito upang maabot ang kinakailangang antas ng kahandaan.