Arestado ang 76 na mga dayuhan na iligal na nag-ooperate ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa lungsod ng Quezon.
Pinangunahan ng Bureau of Immigration (BI) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglusob sa gusali na ginagamit sa online scamming.
Ikinabahala pa ng AFP dahil sa ang lugar ay malapit lamang sa Camp Aguinaldo ang AFP general headquarters.
Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng 74 na Chinese at dalawang Myanmar nationals.
Sinabi naman ni Col. Xerxes Trinidad,hepe ng AFP public affairs office, na kanilang iniimbestigahan kung ang nasabing pasilidad ay ginagamit na magiging banta sa national security.
Ayon naman kay BI Intelligence Division Chief Fortunato S. Manahan Jr. na ang mga dayuhan ay sangkot sa umanoy online scamming noong pinasok nila ang lugar.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naarestong suspek.















