Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga motorista ngayong araw ng Linggo, Oktubre 4, patungkol sa magiging daloy ng trapiko dahil sa gaganaping ‘Recorrido’ ng imahen ng La Naval De Manila.
Mag-uumpisa ang prusisyon mula alas-syiete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Narito naman ang mga ruta na dadaanan ng prusisyon:
Station 1 – Brgy. Talayan Hall
Station 2 – Masambong Brgy. Hall
Station 3 – Brgy. Del Monte Multi-Purpose Hall
Station 4 – San Pedro Bautista Church (Damayan)
Station 5 – Brgy. Mariblo Hall
Station 6 – Brgy. Paraiso Hall w/ Sta. Cruz
Station 7 – Brgy. Paltok Hall
Station 8 – Brgy. Nayong Kanluran Hall
Station 9 – Heart of Jesus and Mary Parish (West Triangle)
Station 10 – Sta. Rita de Casia Parish (Philam)
Station 11 – Sto. Cristo de Bungad Parish
Station 12 – District 1 Action Center (San Antonio)
Station 13 – Christ the King Parish (Veterans Village)
Pinapayuhan naman ang mga motorista na mangyaring dumaan sa mga alternatibong ruta ngayong Linggo.
Ang simbahan ay dating matatagpuan sa distrito ng Intramuros sa Maynila at pinamamahalaan ng mga Dominikano. Inilipat ito sa Quezon City noong dekada 1960 matapos itong lubhang masira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nang mailipat sa Quezon City, naging bagong pambansang dambana ito ng Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila.
















