-- Advertisements --
Nagluluksa ngayong ang aktres na si Candy Pangilinan dahil sa pagpanaw ng ina na si Dori Espiritu.
Sa social media ang aktres, ay ibinahagi nito ang detalye ng pagpanaw ng ina nitong Pebrero 10.
Nakaburol ang ina nito sa Claret Seminary sa Quezon City kung saan hanggang Pebrero 14 ang viewing.
Noong Enero 19 ng magpost ang aktres na nakauwi na ang ina nito sa bahay nila matapos ang pagkaka-ospital ng siyam na araw.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga kasamahan nito sa showbiz.
















