-- Advertisements --

Nagbigay babala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa publiko hinggil sa pagpapanggap ng ilan bilang kawani ng gobyerno para makapambiktima.

Sa inisyung ‘urgent warning’ ng ahensya, binalaan nito ang mamamayan sa ‘spoofing scheme’ o modus na target biktimahin ang mga users ng eGov PH mobile application.

Kasunod ang naturang alerto nang magkaroon ng ulat kung saan ang biktima’y nakuhaan o nawalan ng 100-libong piso na pera.

Batay sa impormasyon, ang manloloko ay nagpapanggap bilang government employee kumokontak sa biktima para magberipika umano ng National ID records.

Ang naturang perpetrator ay inutusan ang biktima na magsagawa ng ‘face id’ at biometric logging sa loob ng ibinigay na fraudulent interface.

Dahil rito’y nagkaroon ng pagkakataon ang mga hackers na mapasok o ma-bypass ang security layers, makakuha ng sensitibong impormasyon at masimot ang bank accounts ng biktima.

Kaya naman binigyang diin ni CICC Usec. Renato ‘Aboy’ Paraiso na ang mga lehitimong ahensya ng gobyerno ay hindi kailanman humihingi ng mga sensitibong credentials tulad ng OTPs, biometric data, o passwords.

Paalala nila na iwasan ang pagsagot sa mga tawag at messages mula sa di’ kilalang numero kahit pa sinasabing sila’y kawani ng gobyerno.