-- Advertisements --

Inaprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill No. 4699 na nag-aatas sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magpatupad ng technical-vocational training at livelihood programs para sa mga rehabilitated drug dependents.

Layunin ng panukala na bigyan ang mga benepisyaryo ng sapat at empleyableng kasanayan upang makahanap ng trabaho o makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Inaatasan din nito ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang tatanggap ng mga kalahok sa programa.

Ayon kay House Committee on Higher and Technical Education Chairman, Rep. Jude Acidre, mahalaga ang rehabilitasyon ay may kasunod na konkretong oportunidad sa kabuhayan upang maging ganap ang pagbabalik ng mga indibidwal sa lipunan.

Ang panukala, ay pangunahing inakda ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez kasama ang mga kinatawan ng TINGOG Party-list, ay popondohan sa pamamagitan ng General Appropriations Act at inaatasan ang TESDA at DOLE na bumuo ng implementing rules sa loob ng 60 araw mula sa bisa ng batas.