Naniniwala si Batangas Rep. Gerville “Kinky Bitrics’ Luistro, Chairman ng House Committee on Justice na maaaring maging parang “mini-trial” ang mga pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Luistro na sa pagdinig ay maaaring iharap ang mga testigo, affidavit, at iba pang dokumentaryong ebidensiya bago magpasya ang komite kung may probable cause upang iakyat ang kaso sa Senado.
Ipinaliwanag niya na ang papel ng komite ay katulad ng preliminary investigation ng isang prosecutor, tinitingnan lamang kung may sapat na batayan ang reklamo bago ihain ang kaso sa hukuman, na sa kasong ito ay ang Senado, na siyang magpapasya kung mapapawalang-sala o mahahatulan ang respondent.
Dagdag ni Luistro, maaaring paikliin ang pagdinig kung maghahain ng mosyon ang mga miyembro ng komite kapag naniniwala silang sapat na ang mga ebidensiyang naiprisinta.
Matapos ang mga pagdinig, boboto ang komite kung may probable cause ang mga reklamo isang mahalagang yugto bago ito maipasa sa plenaryo ng Kamara. Maaari ring maglabas ang komite ng subpoena upang makuha ang mga dokumentong kailangan sa imbestigasyon.
















