-- Advertisements --

Nanindigan ang kampo ni Senator Loren Legarda na mayroong itong lehitimong sakit at nagpapagamot sa France.

Ayon kay Atty. Tony La Viña ang tagapagsalita ng Senador na mayroong dinaranas na matinding karamdaman ang Senador.

Hindi naman nito binanggit kung anong uri ang sakit ng nasabing Senador.

Paglilinaw niya na hindi ito gawa-gawa lamang o imbento para takasan ang mga usapin na iniuugnay sa kaniya.

Wala din itong alam kung natapos na ba ang gamutan ng Senador dahil sa hindi ito binabanggit sa kaniya.

Plano din ng anak ng Senador na si Batangas Representative Leandro Leviste na kasabay niyang umuwi sa bansa ang ina.

Magugunitang naghain ng medical leave ang Senador noong mahigit ng isang buwan at hindi na ito dumalo sa kasalukuyang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.

Nahaharap si Leviste sa kaso dahil sa anomalya ng solar energy company na pag-aari niya.