Nagbabala si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Lanao del Sur Representatives Zia Alonto Adiong na posibleng dumami muli ang deepfakes, trolls at fake news online habang umuusad ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Ayon kay Adiong, inaasahan na niya ang pagkalat ng disinformation habang tumitindi ang interes ng publiko sa proseso.
Hinikayat din niya ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga nakikitang impormasyon sa social media dahil marami umano rito ang hindi totoo.
Samantala, sinimulan na ng House Committee on Justice ang pagtalakay sa impeachment complaints matapos itong mapatunayang sufficient in form and sufficient in substance.
Nagpahayag din si Adiong ng pagkagulat na 54 mambabatas ang bumuto bilang susporta sa impeachment laban sa pangalawang pangulo sa committee level na aniya’y positibong senyales na maaaring maabot ang kinakailangang bilang ng boto.
Sa ilalim ng proseso, kailangan ang suporta ng hindi bababa sa one third votes ng mga miyembro ng Kamara upang maipadala ang impeachment complaint sa Senado para sa paglilitis.










