-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 2,000 kataona kinabibilangan ng mga sibilyan at military personnel ang nasawi dahil sa giyera sa Iran.
Kasama na rito ang anim na US military na crew member ng refueling aircraft na nasawi matapos bumagsak ang sinakyan na eroplano sa Iraq.
Subalit base sa pagtaya ng Human Rights Activists News Agency (HRANA) na higit pa sa nasabing bilang ang nasawi.
Naniniwala naman si US President Donald Trump na bahagyang tinutulungan ng Russia ang Iran.
Idinahilan ng US President ang suporta nila sa Ukraine kaya ginagawa ito ng Russia.
Una ng pinabulaanan ng Russia ang alegasyon na nagbibigay sila ng intelligence report sa Iran.
















