-- Advertisements --

Maaaring mag-inhibit si Sen. JV Ejercito sa paghawak ng ethics complaint laban sa kaniya matapos siyang ireklamo ng “gross neglect of duty.”

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Marvin Aceron noong Enero 22, 2026, kaugnay ng umano’y hindi pag-aksyon sa ethics case laban kay Senador Francis Escudero.

Lumampas na ng higit 100 araw mula nang maisampa ang reklamo laban kay Escudero noong Oktubre 2025, ngunit wala pang case number o galaw mula sa komite.

Dahil si Ejercito mismo ang chairman ng Senate Ethics Committee, inaasahang mag-i-inhibit siya upang maiwasan ang conflict of interest.

Ang reklamo laban kay Escudero ay kaugnay ng P30 milyon campaign donation mula sa isang negosyante noong 2022 elections.

Suportado ng 347 mamamayan, kabilang ang isang dating Constitutional Commissioner at isang National Artist, ang reklamo laban kay Ejercito.

Ayon kay Ejercito, hindi pa kumpleto ang membership ng komite at abala ang Senado sa budget deliberations, dahilan ng pagkaantala sa aksyon.