BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, secretary general ng Bangon Sambayanan na naka-piyansa na siya kahapon ng 36,000 pesos sa kasong kaniyang kinakaharap na inciting to sedition.
Una nito ay boluntaryong sumuko si Celiz matapos lumabas ang warrant of arrest sa Quezon City Regional Trial Court Branch 100.
Dahil nito ay temporaryong nakalaya si Celiz at naghihintay na lamang sa pre-trial na ayon pa nito ay baka umabot pa sa panahong magiging presidente na sa Pilipinas ang kasalukuyang besi presidente na si Sara Duterte.
Inihayag pa ni Celiz na sa nasabing panahon ay seguradong mabasura lamang ang kaso dahil politika man ito.
Ngunit mas maganda umanong umabot sa trial upang mapakita niya sa korte kung gaano ka mapang-abuso ang Marcos Administration kungsaan ginamit ang kapangyarihan upang mapatahimik ang kaniyang kritiko.
















