-- Advertisements --

Naghain ang DA ng P61.99-bilyong action plan para labanan ang epekto ng El Niño sa produksyon ng pagkain, bagamat may P371 milyong panukalang interbensyon pa ang walang pondo.

Kasunod ito ng hakbang na palakasin ang paghahanda, kabilang ang pag-aaral sa pag-angkat ng drought-resistant na binhi mula sa India at pagsasagawa ng cloud seeding.

Ipinag-uutos din ang mahigpit na market watch at price monitoring laban sa profiteering upang maprotektahan ang mga konsumer.

Maghahanda ang DA ng listahan ng mga benepisyaryo para sa mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Makikipagtulungan din ang ahensya sa DSWD at DOLE para sa mga livelihood at cash-for-work program tulad ng Project LAWA at Trabahong-Dagat para sa mga magsasaka at mangingisda.