Nagbabala ang Department of Health (DOH) na mas mabilis masira ang pagkain dahil sa matinding init ng panahon at posibleng brownout kaugnay ng El Niño phenomenon.
Pinayuhan ng ahensiya ang publiko na gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay at mga kagamitan. Inirerekomenda rin ang pagtatakip at agarang pagkonsumo ng mga lutong pagkain, at ang pag-iwas na iwan ang mga ito sa lugar na direktang nasisikatan ng araw upang maiwasan ang pagdami ng bacteria.
Inaasahang lalo pang lalakas ang El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027, kung saan posibleng tumaas nang humigit-kumulang dalawang digri Celsius ang karaniwang temperatura.
Mahigit 100 lungsod at munisipalidad na rin ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa tumataas na temperatura.














