-- Advertisements --

Nagbabala ang foreign minister ng Iran na handa itong tumugon sa anumang aggresibong military operation ng US.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng top diplomat ng naturang bansa na si Abbas Araghchi na handa na silang ‘kalabitin ang gatilyo’ bilang ganti at tugon kung sakaling lulusob o magsasagawa ng military ops.

Kung babalikan ay unang ibinabala ni US Pres. Donald Trump na patungo sa katubigang sakop ng Iran ang ‘massive armada’ ng US na binubuo ng naval vessel.

Ang mga ito ay handa aniyang kumpletuhin ang kanilang mga misyon nang mabilisan. Hindi rin isinasantabi ang paggamit ng ‘violence’ kung kinakailangan.

Pero giit ni Araghchi, tutugunan ng Iran ng kaparehong pwersa ang anumang karahasang gagawin ng US laban sa naturnag bansa.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Iranian official ang kahandaan nitong tumugon sa ‘maayos, patas, at sinserong nuclear deal, na parehong makaka-benepisyo sa US at Iran, nang hindi gumagamit ng karahasan.

Giit ng Iranian official, bukas pa rin ito sa anumang pakikipag-usap sa US nang hindi gumagamit ng pamimilit, pamumuwersa, pagbabanta, at iba pang uri ng karahasan.