-- Advertisements --

Nagbanta si US President Donald Trump na wawaksan ng Amerika ang pag-suporta sa Iraq sakaling muling magwagi si dating Prime Minister Nouri al-Maliki.

Nitong Martes, Enero 27, nakatakda sanang maghalal ng pangulo ang parliament ng Iraq subalit naantala ang botohan matapos hindi magkasundo sa tatakbong presidential candidate.

Si Maliki, na may koneksiyon sa Iran, ang pinili ng alliance of Shia-led parties bilang nominee para maging punong ministro.

Subalit, nagbabala si Trump na maling desisyon na piliin si Maliki, dahil noong nakalipas na pamumuno umano nito, nalugmok sa kahirapan at naging ganap na magulo ang Iraq.

Matatandaan, nanunngkulan si Maliki bilang Prime Minister ng Iraq sa pagitan ng 2006 at 2014 na minarkahan ng sectarian violence at bumaba sa pwesto matapos masakop ng Islamic State ang malaking parte ng bansa.