Nag-alok ng US State Department ng $10 milyon na reward para sa mga makakapagturo sa mga kinaroroonan ng ilang mga pangunahing lider ng Iran.
Kasama na sa listahan na dito ang bagong Supreme Leader Mojtaba Khamenei.
Ito ay bahagi ng Rewards for Justice Program kung saan sa pinagsamang pag-atake ng US at Israel sa Iran na sanhi ng pagkasawi ni Ayatollah Ali Khamenei at ilang mga mataas na opisyal ng Iran.
Ayon pa sa US na ang nasabing mga indibidwal ay siyang nag-uutos at may direktang kapangyarihan sa Islamic Revolutinary Guard Corps ng Iran na nagpaplano at nag-oorganisa ng terorisimo sa buong mundo.
Ang ilan sa mga nasa listahan ng US State Department ay kinabibilangan nina: Minister of Intelligence Esmail Khatib; Deputy Chief of Staff Ali Asghar Hejazi; Major-General Yahya Rahim Safavi; Brigadier General Eskandar Momeni at Secretary to the Supreme Council Ali Larijani.
















