Nanawagan si United States President Donald Trump sa mga kaalyadong bansa na magpadala ng kani-kanilang warships upang protektahan ang Strait of Hormuz, matapos maglunsad ang Iran ng serye ng pag-atake sa United Arab Emirates (UAE).
Matapos kumpirmahin ng UAE ang pagpapabagsak ng siyam na ballistic missiles at 33 drones mula sa Tehran nitong Sabado, hinimok ng pangulo ang pandaigdigang komunidad na bantayan ang rutang pinagdadaanan ng 20 porsyento ng langis sa mundo.
Inatake ng Iran ang mga daungan sa UAE dahil sa alegasyong ginagawa itong American hideouts.
Ang opensiba ng Iran ay ganti sa pagbomba ng Amerika sa nasa 90 military sites sa Kharg Island, ang sentro ng kanilang oil exports.
Samantala, itinanggi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na nasugatan si Supreme Leader Mojtaba Khamenei sa mga pag-atake.
Mula Pebrero 28, aabot na sa 2,000 ang nasawi sa giyera na nagdulot ng malawakang oil supply disruption.
















