-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni US President Donald Trump na muling atakihin ang Iran.

Ito ay matapos ang naganap na pag-atake ng Houthi rebels sa paliparan sa Saudi Arabia.

Sinabi nito na kaniyang pag-aaralan at maglalabas ng desisyon matapos na malaman ang insidente.

Una ng sinabi ng US President na hindi muna sila aatake sa Iran bago ang Nobyembre 3 na midterm elections.

Magugunitang marami ang nasugatan ng ginawang airstrike ng Houthi rebels sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia.