-- Advertisements --

Pumalo na sa 12 katao ang nasawi at 309 na ang sugatan sa pag-atake sa paliparan sa Saudi Arabia.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na inatake ang nasabing paliparan ngayong linggo.

Bagamat walang grupo ang umako sa nasabing atake ay naniniwala ang mga otoridad na ang grupong Houthi rebels ang nasa likod ng pag-atake.

Suportado kasi ng Saudi Arabia ang Yemen government sa paglaban nila sa Houthi rebels na ang nasa likod nito ay ang Iran.

Dahil sa insidente ay maraming mga flights sa pangunahing paliparan ng Saudi Arabia na ang na-divert.