-- Advertisements --

Pansamantalang isinara ang Nuremberg airport sa Germany matapos ang aviation emergency.

Sinabi ng kapulisan ng Germany na nakatanggap sila ng banta kaya kanila itong pansamantalang isinara.

Hindi naman na binanggit pa ng kapulisan kung anong uri ng banta ang natanggap ng mga airport authorities.

Subalit iniulat ng mga piloto na nakakita sila ng mga drones malapit sa paliparan kaya yung ibang flights ay kanilang na-diverts.

Magugunitang maraming mga bansa ang naghigpit ng kanilang seguridad sa mga paliparan matapos ang naganap na missile attacks sa paliparan sa Saudi Arabia.