-- Advertisements --
Nagbabala ang Office of the Ombudsman sa mga opisyal ng gobyerno sa paggamit ng gas allocation na para sana sa sasakyan ng gobyerno at ginagamit sa kanilang sariling sasakyan.
Ayon kay Ombudsman Jesus ‘Boying’ Remulla, na ang nasabing mga hakbang ay nakakasira sa imahe ng gobyerno.
Hindi aniya babalewalahin ng ahensiya ang mga ganitong hakbang gaya ng siphoning ng gasolina, paggasolina ng mga sasakyan na hindi pag-aari ng gobyerno ganun din ang pamemeke ng mga resibo.
Ang sinumang opisyal ng goyberno na mapatunayang guilty ng parehas na gawain ay mahaharap sa mabigat na kaparusahan.
Inihayag ni Remulla ito matapos ang pagkaka-dismisse ni Bohol provincial board member Vierna Mae Boniel-Maglasang dahil sa two counts of serious honesty.
















