-- Advertisements --

Umaasa ang Philippine Energy Research and Policy Institute (PNRI) na makapag-uuwi ng mas malawak na kaalaman ukol sa nuclear energy si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng kaniyang pagbisita sa Singapore.

Kabilang sa mga pangunahing tinungo ni Pang. Marcos habang nasa Singapore ay ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute (SNRSI) kung saan ay inaalam ang karanasan at kakayahan nito sa larangan ng nuclear technology.

Ayon kay PNRI Executive Board Member Atty. Jay Layug, maraming benepisyong kaalaman ang maaring maging resulta ng pagtungo ni Pang. Marcos sa naturang pasilidad.

Kabilang dito ang kaalaman at teknolohiya ukol sa Small Modular Reactors (SMRs), isa sa mga nakikitang akmang teknolohiya para sa Pilipinas bilang isang archipelago o bansang binubuo ng maraming kapuluan.

Ayon kay Layug, mas magandang itayo ang mga ito kung ikukumpara sa isang Nuclear Plant tulad ng Bataan Nuclear Power Plant.

Mas madali aniya itong ilagay sa mga kalat-kalat na isla sa Pilipinas na nangangailangan ng mas maayos na power source o power supply.

Kasama ni Pang. Marcos sa kaniyang pagbisita sa Singapore sina Finance secretary Frederick Go, Trade Secretary Maria Cristina Roque, at Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez.