Kinumpirma na ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda.
Ang pagbibitiw ni Aguda ay nangyari matapos ang batikos sa polisiya ng DICT ganun din ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.
Aminado naman ni Aguda ukol sa mga usapin sa kaniyang pagbibitiw sa puwesto.
Una ng sinabi ni Aguda na magpapatuloy pa itong magsisilbi bilang DICT Secretary.
Itinalaga sa puwesto si Aguda sa DICT noong Marso 2025 kapalit ni Ivan Uy.
Magugunitang binatikos ang DICT dahil sa pagpapataw ng ban nito sa online platform na Discord matapos na ireklamo umano ng iligal na aktibidad gaya ng child grooming at ibang mga panganib sa kaligtasan ng mga kabataan.
Subalit matapos ang isang araw ay agad na tinanggal ang nasabing ban.
Iniimbestigahan na rin ang DICT ng Ombudsman dahil umano sa “ghost internet” scheme kung saan ang mga naglagay ang contractors ng luma at pekeng software sa information technology systems ng gobyerno.
















