-- Advertisements --

Binigyang halaga ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-In-Charge PBGen. Christopher Abrahano ang mahigpit na ugnayan ng komunidad at mga school head officials.

Sinabi nito na kaya nila isinagawa ang 1st Metro Manila School Safety and Security Summit 2026 para magkaroon ng agarang hakbang ang mga paaralan at komunidad sakaling may maganap na krimen sa loob ng paaralan.

Natitiyak ng police official na sa nasabing pagtitipon ay mabubuo ang mabilis na pagresponde ng hindi na lumala pa ang mga krimen.

Giit na mayroong mahigpit na utos sa kanila si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ukol sa mabilis na pagresponde at pagtitiyak na maging ligtas ang mga paaralan sa bansa.

Sa panig naman ng DILG sinabi ni Sec. Remulla na dapat maging aware na at mayroon ng aral ang bawat isa sa mga nangyaring krimen sa iba’t-ibang mga paaralan sa bansa.
Binalaan din ng opisyal ang mga nasa likod ng groomers na tinatawag na siyang nag-iimpluwensiya sa mga kabataan para gumawa ng iba’t-ibang krimen.