-- Advertisements --
Inihayag ni US President Donald Trump na walang gaganaping pag-atake sa Iran bago ang US midterm elections.
Sinabi ng US President na nagkakaroon ng magandang pag-uusap ang US at ang Islamic Republic of Iran.
Giit nito na hindi tuloy-tuloy ang ugnayan ng mga mediators na bansa gaya ng Qatar para tuluyang magtapos na ang giyera sa pagitan ng US at Iran.
Gaganapin ang midterm elections sa darating na Nobyembre 3.














