-- Advertisements --

Ipinahayag ng tagapamagitan ng Qatar na ang Estados Unidos at Iran ay patuloy pa rin sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa upang wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan, sa kabila ng pitong buwan ng labanan.

Ayon kay Ibrahim Al-Hashmi, isang opisyal ng foreign ministry, isinasaalang-alang sa mga hindi direktang negosasyon ang mga hinaing ng iba’t ibang panig.

Sa kabila ng isang ceasefire noong Abril, isang memorandum of understanding noong Hunyo at mga koneksyon sa UN General Assembly noong nakaraang buwan, nananatiling hindi nagkakasundo ang Washington at Tehran hinggil sa kalakalan at transportasyon ng langis na Strait of Hormuz.

Nitong Lunes, sinabi ni Iranian President Masoud Pezeshkian na ang pakikipag-usap sa US ay “meaningless” o wala ring silbi dahil magreresulta lamang ito umano ng mga panibagong pag-atake.