-- Advertisements --

Nagbabala ang Iran na handa silang gumanti sakaling maglunsad ang US ng pag-atake.

Ayon kay Revolutionary Guard spokesperson Mohammad Ali Naini , na huwag lamang magkamali na pumasok sa territorial waters nila dahil tiyak ang pagganti nila.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagdating ng USS Abraham Lincoln sa Middle East na bilang bahagi ng pagbabala ni US President Donald Trump dahil sa malawakang kilos protesta.

Una na rin inihayag ni Trump na handa silang tumugon sa hirit ng ilang Iran official na diplomasyang pagkikipag-usap.

Magugunitang ilang libong protesters na ang nasawi matapos ang pagsiklab nito dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Iran.