-- Advertisements --
Pinayuhan ng doctor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maghinay-hinay sa kaniyang trabaho.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro , na naging limitado lamang sa pribadong pagpupulong ang dinadaluhan ng pangulo mula ng maitakbo ito sa pagamutan dahil sa pananakit sa tiyan.
Pagtitiyak naman ni Castro na nasa magandang kondisyon ang kalusugan ng pangulo at sumusunod lamang ito sa payo ng doktor na bawasan ang aktibidad.
Magugunitang mula ng itakbo sa pagamutan ang pangulo ay hindi na ito nakadalo sa ilang mga public events sa bansa.
Una ng nilinaw ng pangulo na hindi life-threatening ang sakit nito at normal lamang itong nararanasan sa mga nagkaka-edad na.
















