-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Namahagi ng 10 makinaryang pang-sakahan at mga kaalaman sa mga magsasaka ang Department of Agriculture (DA) upang mas pang mapalakas ang produksiyong agrikultural sa lalawigan ng Aklan.

Sa pagbisita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa lalawigan, ipinamahagi ang tulong-makinarya sa grupo o asosasyon ng mga magsasaka partikular ang mga four-wheel drive tractor, rice combine harvester at drying system 1 na nagkakahalaga ng P33 milyon pesos.

Kabilang sa mga sumalubong sa kalihim ay si Aklan Governor Jose Enrique Miraflores, 1st district congressman Jesus Marquez, 2nd district congressman Florencio Miraflores, iba pang mga opisyal at mga mamamayan sa lalawigan.

Tiniyak pa ng DA na may parating pang dagdag na mga makinarya sa ilalim ng pondo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program ng ahensiya ngayong 2026.

Kasabay nito, binuksan din ang Kadiwa ng Pangulo kung saan, mabili ang bigas sa halaga na P20 kada kilo.

Pinasalamatan naman si governor Miraflores sa suporta para sa matagumpay na implementasyon ng benteng bigas meron na program ng administrasyong Marcos Jr.