-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat ng suplay ng mga agricultural products sa bansa kasunod ng krisis sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Agriculture Secretary Tiu-Laurel na mayroong hanggang 90 na araw ang stock ng agriculutural products.
Dagdag pa nito na maging ang bigas ay hindi magkakaroon ng problema ng suplay kung saan kasagsagan pa ng peak harvest season ng bigas.
Bukod pa dito ay nagiging matatag pa ang suplay ng ilang mga produkto gaya ng mais, asukal, sibuyas at ilang mga gulay.
Pinawi naman nito ang pangamba ng publiko dahil sa wala siyang nakikitang anumang pagtaas sa presyo ng mga agricultural products.
















