-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang na kailangan munang mag-apply ng parole sina Deniece Cornejo at Cedric Lee bago sila ay mapalaya.

Kasunod ito na ibaba ng Court of Appeals (CA) ang kaso ng dalawa mula sa dating illegal detention ay naging grave coercion.

Ipinag-utos din ng CA sina Lee at Cornejo na makalaya matapos na maibaba ang sentensiya.

Subalit sinabi ni Catapang na kailangan pang magsilbi ang dalawa ng kanilang hatol na grave coercion na mayroong pagkakakulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon.

Giit ni Catapang na hindi maaring sabay na punan nina Lee at Cornejo ang kanilang sentensiya.

Mayroong aniyang proseso na kanilang sinusunod kaya hindi nila basta sundin ang CA.