-- Advertisements --

Itinanggi ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaaring makatakas ang isang inmate gamit ang isang drone.

Kasunod ito sa lumabas na ulat mula sa South Korea na isang nakakulong na drug lord ng South Korea na si Park Wang-yeol ay nakatakas gamit ang heavy-duty na unmanned aerial vehicles.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr, na lahat ng mga correctional facilities na sakop nila ay ipinapatupad ang no-fly zones.

Mayroong nakalagay na CCTV at watch towers kung saan lahat ng mga ito ay inaalerto ang mga guwardiya sakaling may magtangkang tumakas.

Giniit nito na napaka-imposible ang paggamit ng drones sa pagtakas ng isang inmates.

Naglabas din ng pahayag ang Department of Justice na ang nasabing Korean national ay naipasakamay na sa mga otoridad ng South Korea noong Marso.