-- Advertisements --

Inatasan ng Court of Appeals (CA) na palayain ang dating model na si Deniece Cornejo matapos ibaba ang ipinataw na jail term sa kanya kaugnay ng kasong serious illegal detention na isinampa ng actor na si Ferdinand Hipolito o mas kilala bilang Vhong Navarro.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, kinonsidera bilang time served ang halos dalawang taong pagkakakulong ng kaniyang kliyente matapos ang conviction sa Regional Trial Court.

Tinutulungan umano siya ng Public Attorney’s Office at iba pang abogado sa pagproseso ng mga dokumento para sa kanyang release.

Inaasahang mangyayari sa unang bahagi ng susunod na linggo.

Ang pagkakakulong ng dating modelo ay nag-ugat sa pambubugbog na sinapit ni Navarro sa condominium unit nito, kung saan isa siya sa mga itinuturong may kagagawan, kasama ang kaniyang mga kaibigan.