-- Advertisements --

Sumuko na sa mga ahente ng National Bureau of Investigation ang co-convict sa illegal detention case na inihain ng kampo ng TV host at aktor na si Vhong Navarro.

Kinilala itong si Ferdinand Guerrero na kabilang sa mga nambugbog kay Navarro noong 2014.

Sumuko si Guerrero sa mga tauhan ng NBI kasama ang kanyang abogado.

Binasahan rin ito miranda rights bago tuluyang arestuhin ng mga NBI agent.

Sumuko ito matapos na maglabas ng desisyon ang Taguig Regional Trial Court Branch 153 kung saan guilty ang naging hatol sa kanya.

Kabilang sa mga hinatulan sa Navarro Case ay sina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz.

Aabot naman sa reclusion perpetua o katumbas ng 40 na taon na pagkakakulong ang naging hatol sa kanila ng korte.