-- Advertisements --
Napaslang ng mga pirata ang limang crew members ng Palau-flagged oil tanker habang nasa karagatan ng Somalia.
Ayon sa Somali authorities, na bago nila maisagawa ang pag-rescue sa mga sakay ng MT Honour 25 ay napatay na ang limang biktima.
Ito ang itinuturing na unang pagkakataon na pagpatay ng mga pirata ng Somalia matapos ang ilang dekada.
Ang MT Honour 25 ay may kargang 18,500 na bareles ng langis.
Ito ay sinakop ng mga pirata mula pa noong Abril 21.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong Pakistani, isang Indian at isang Myanmar national.
Ayon sa Puntland Maritime Police Force (PMPF) na ang barko ay ligtas na at nasa kontrol na ng gobyerno.
















