Inilabas na ng South Korean group na BTS ang kanilang bagong album na “Arirang”.
Ito ang unang paglabas nila ng album matapos ang apat na taon na pamamahinga.
Noong nakaraang apat na taon kasi ay sumailalim sa mandatory military service ang bawat miyembro ng grupo.
Kasabay din nito ay inilabas din nila ang music video ng kanilang lead single na “Swim” kung saan kasama dito sa video ang aktres na si Lili Reinhart.
Ang “Arirang” album ay naglalaman ng 14 na kanta na ito ay mapapakinggan sa lahat ng mga digital streaming platform.
Sa araw din ng Sabado , Marso 21 ay mapapanood ang kanilang concert na gaganapin sa Gwanghwamun sa Seoul.
Habang sa daratin na Marso 27 ay ilalabas ng grupo ang kanilang dokumentary ukol sa paggawa nila ng nasabing album na “Arirang”.
Sa buwan naman ng Abril ay magsisimula ang kanilang “Arirang” world tour kung saan ang dalawang unang show ay mapapanood sa mga sinehan sa buong mundo.
Nakatakdang magsagawa ng concert ang grupo sa darating na Marso 2027.
Labis naman ang kasiyahan ng mga fans ng grupo sa buong mundo dahil sa matagal na nilang inaabangan ang pagbabalik sa entablado ang grupo.















