Sugatan ang walong katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang supermarket sa Incheon, South Korea.
Naaresto ng mga otoridad ang 59-anyos na suspek habang mayroong hawak na dalawang kutsilyo.
Napigilan lamang ang suspek ng mga taong nagtulong-tulong gamit ang mga upuan bago dumating ang mga kapulisan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pag-atake.
Habang dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima na kinabibilangan ng anim na kababaihan at dalawang lalaki.
Naka-rekober pa ang mga kapulisan ng hindi bababa sa 10 kutsilyo mula sa backpack ng supsek.
Mayroon na itong dating kaso ng attempted murder dahil sa pananaksak sa dating asawa nito at nakulong ng apat na taon.
Nagiging madalang ang mga krimen sa South Korea kung saan mayroong 0.5 homicides na kaso sa 100,000 katao noong 2024 base sa statistics.
















