-- Advertisements --

Sa kabila ng tumataas na presyo ng langis at iba pang gastusin dulot ng krisis sa Gitnang Silangan, tiniyak ng mga grupo ng industriya na hindi muna sila magtatanggal ng mga empleyado.

Ayon sa Federation of Philippine Industries at Management Association of the Philippines, mas pinipili ng mga kumpanya na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid at mag-adjust sa operasyon kaysa magbawas ng manggagawa.

Ipinunto ni Elizabeth Lee na may sapat na imbentaryo at mga mitigating measures upang makayanan ang epekto ng krisis, habang sinabi ni Donald Lim na mas mainam na magbawas ng gastos sa kuryente, gasolina, at biyahe kaysa magtanggal ng tao.

Kabilang sa mga tinitingnang hakbang ang carpooling, mas maikling workweek, at kombinasyon ng onsite at work-from-home setup.

Gayunpaman, nagbabala ang mga lider ng negosyo na kung magtatagal ng isang taon ang krisis, maaaring tumaas pa ang presyo ng pagkain at bumaba ang consumer spending, na posibleng magdulot ng mas mahigpit na hakbang sa operasyon.

Sa ngayon, nananatiling nakatuon ang mga kumpanya sa pagpapanatili ng kanilang workforce habang binabantayan ang sitwasyon.