Kinumpirma ni Senate Impeachment Court spokesperson Atty. Regie Tongol na natanggap na ng korte ang mga kasagutan nina Rep. Tery Ridon at Atty. Benjamin Tolosa sa inilabas ng naturang korte na show cause order laban sa dalawang prosecutor.
Ayon kay Atty. Tongol, opisyal na natanggap ng korte ang sagot ng dalawa, alas-5:30 at alas-6:30 ng gabi kahapo, Sept. 18.
Ang mga ito ay pasok pa rin aniya sa 24 oras na palugit na ibinigay ng korte sa dalawang prosecutor.
Sa ngayon, tumanggi muna ang court spokesperson na magbigay ng kumento sa kasagutan nina Ridon at Tolosa. Susuriin ng korte ang mga naturang kasagutan para sa posibleng pagbibigay ng desisyon sa susunod na lingo.
Batay sa panuntunan ng Senate Impeachment Court, tanging ‘reprimand’ sa open court lamang muna ang ibibigay na penalty sa sinumang lumabag sa sub judice rule.
Kung hindi pa rin natoto ang isang lumabag, ayon kay Atty. Tongol, papatawan na siya ng P30,000 na penalty sa ikalawang paglabag, kasama ang posibleng restriction.
Maaari ring i-refer na ng korte sa Supreme Court ang naturang infraction, kung mga abogado ang nakagawa nito, para sa posibilidad ng administrative sanctions, kasama ang disbarment.
Nanindigan naman si Atty. Tongol na hindi ito gag order, kapwa sa defense at sa prosecution, at sa halip ay pinipigilan lamang ng korte ang posibilidad ng ‘pampublikong paglilitis’ sa gumugulong na trial.
















