-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Finance Secretary Frederick Go na pinirmahan niya ang resolusyon na nagtatanggal ng buwis sa mga Liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Isinagawa ng Kalihim ang anunsiyo sa kasagsagan ng budget hearing sa Senado para sa Department of Finance.

Ipinanawagan ni Senator Bong Go na dapat ay suspendihin na ang fuel excise tax dahil sa nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan.

Subalit paliawanag ng Department of Finance, na hindi nila tatanggalin ang excise tax sa diesel at gasolina dahil magreresulta ito sa pagkalugi ng bansa ng nasa P12 biyon kada buwan.

Dagdag pa ni Secretary Go na kapag natanggal ang buwis sa gasolina at diesel ay makikinabang ang mga mayayaman na sila ang malakas gumamit ng diesel at gasolina.

Sa halip ay gagawin na lamang ng gobyerno ang magpamahagi ng subsidiya sa mga vulnerable sectors habang tumataas ang presyo ng langis sa bansa.