Nasagip ang aabot sa 117 na pasahero matapos na sumadsad ang MV Roromaster 5, malapit sa may bandang baybayin ng Sitio Sigman, Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro, pasado ala-una ng madaling araw, kahapon, araw ng Huwebes, September 17.
Matapos na mapag-alaman ang pagsadsad ng roro agad namang remespunde ang ilang ahensya at nagsagawa ng rescue operations tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) ng Abra De Ilog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga Philippine Coast Guard, napag-alaman na “rocky seabed” ang nadaanan ng roro. Samantala wala namang oil spill na obserbahan malapit sa sumadsad na barko.
Agad namang dinala ang mga pasahero sa holding area sa Passenger Terminal Building ng Terminal Office, kung saan agad silang binigyan ng assistance.















