-- Advertisements --

Itinuloy ng mga mambabatas ng Pakistan-administered Kashmir ang eleksyon upang ihalal ang kanilang bagong pangulo at punan ang constitutional office na halos walong buwang bakante.

Malaki ang tyansang magwawagi sa halalan ng kandidato ng ruling Pakistan Muslim League-Nawaz (PML-N) na si Najeeb Naqi Khan laban sa manok ng Pakistan People’s Party (PPP) na si Chaudhry Latif Akbar matapos makuha ng pamahalaan ang higit sa kinakailangang 27 boto.

Naganap ang botohan sa kabila ng pagkaantala ng opisyal na iskedyul ng Saligang Batas kasunod ng pagpanaw ng dating pangulong si Sultan Mehmood Chaudhry noong Enero.

Naging kontrobersyal ang halalan dahil nananatiling bakante ang pitong pwesto sa lehislatura matapos ipagpaliban ang botohan sa dalawang distritong sentro ng mga marahas na protesta at pagpatay.

Ayon naman kay Chief Election Commissioner Justice Ghulam Mustafa Mughal, pormal at legal ang proseso ng paghalal sa kabila ng mga bakanteng pwesto upang matakpan ang matagal nang kakulangan sa pamumuno ng rehiyon.