Nakatakdang bumuo ang pamunuan ng Philippine National Police ng Special Investigation Task Group na tututok sa imbestigasyon ng pananambang sa alkalde ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur.
Ayon kay Acting chief Police Lieutenant General Jose Nartatez Jr., layon nito na matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang.
Aniya, hindi titigil ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region sa paghahanap ng utak sa ambush.
Maliban sa pagtukoy sa utak ng krimen, layun rin ng PNP na putulin ang buong network nito.
Nitong linggo ng umaga, inambush ng tatlong armadong lalaki ang convoy ni Shariff Aguak Mayor Akmad Mitra Ampatuan.
Ligtas ang alkalde ngunit sugatan ang kanyang dalawang security detail
Matapos naman ang isinagawang hot pursuit operation ng PNP, napatay nito ang tatlong pinaghihinalaang suspect sa ambush incident .
















