Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na mararanasan sa ilang bahagi ng bansa ang maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa susunod na 24-oras dahil sa Northeast Monsoon o Amihan at shear line.
Batay sa weather forecast ng state weather bureau, na maaapektuhan ng Amihan ang mga rehiyon sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon, ngunit walang inaasahang malakas na epekto.
Samantala, sa Caraga, at iba pang bahagi ng Visayas, Bicol Region, Camiguin, at Misamis Oriental ay makakaranas naman ng maulap na kpapwirin na may kalat-kalat na pag-ulan at ilang isolated thunderstorms dulot ng shear line.
Habang ang ibang bahagi ng Mindanao ay mararanasan ang partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rain showers o thunderstorms sanhi ng localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang weather bureau na ang ganitong kondisyon ay maaaring magdulot ng flash floods at landslides, habang inaasahang magiging malakas ang hangin at maalon ang dagat sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
















