Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ng mas malaking subsidiya para sa mga magsasaka at mangingisda kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Pangilinan, kinakailangang dagdagan ang tulong ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura at pangingisda, kasabay ng agarang pagsuspinde ng excise tax sa mga produktong pretrolyo upang mabawasan ang bigat para sa konsyumer dulot ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Ipinaliwanag ng senador na kung masususpinde ang excise tax sa petrolyo, maaring bumaba ng higit kumulang P6 kada litro ang presyo ng diesel, habang P10 kada litro naman ang posibleng ibaba ng unleaded gasoline at liquefied petroleum gas (LPG) at P5 kada litro sa kerosine.
Samantala, nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa P3000 cash assistance para sa mga mangingisda na manggaling sa P75 milyong kasalukuyang pondo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA). Aniya, masyadong mababa at hindi angkop sa kasaulukyang sitwasyon ang halaga ng ayuda kung kaya’t kailangan itong dagdagan.
Igiit din ng senador na kahit doblehin pa ito sa humigit kumulang P6000 hanggang P7000 hindi parin ito sasapat kung hindi bababaan ang presyo ng langis. Sinabi din niya na maaring kunin ang karagdagang subsidiya mula sa P10 bilyong Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks na napakaloob sa General Appropriations Acts of 2026.
Kaugnay nito, nanawagan si Pangilinan sa BFAR na agad ilabas ang guidelines upang maipamahagi na ang pondo sa mga benepisyaryo kasunod ng mga umano’y ulat na ilang mangingisda ang nagbawas na ng araw ng pangingisda dahil sa mataas na gastos sa krudo.















