-- Advertisements --
Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na miyembro ng Bangsamoro Parliament sa harap ni Supreme Court Associate Justice Japar B. Dimaampao.
Naganap ang kauna-unahang regular na Bagsamoro Parliamentary Elections noong Setyembre 14, 2026, kung saan inihalal ang mga kinatawan ng unang regular na Bangsamoro Parliament.
Sa kanilang panunumpa, nangako ang mga mambabatas ng tapat na paglilingkod, pagpapalakas ng mga institusyon, at pagsusulong ng kaunlaran para sa Bangsamoro.










