-- Advertisements --

Nagtipon ang mga suporters ni dating Pakistan Prime Minister Imran Khan at nanawagan na siya ay palayain.

Ibinunyag kasi ng pamilya ng 74-anyos na si Khan na halos mabulag na ang kanang mata subalit walang hakbang na ginagawa ang mga prison authorities.

Ang cricket star -turned politicians ay nahaharap sa mahigit 100 na kaso ay nahatulang makulong ng mahigit 17 taon dahil sa kurapsyon noong nakaraang taon.

Ilan sa mga kaso nito ay ang paglabas ng state secrets sa pamamagitan gn pagbebenta ng state gift.

Nakulong siya nong Agosto 2023 kasamang nakulong ang asawa ntong si Bushra Bibi.

Nakakalat naman ang mga kapulisan sa paligid ng prison facility kung saan nakapiit si Khan para maiwasan ang anumang masamang mangyari sa ibang mga inmates.