-- Advertisements --

Patay ang 12 katao at 30 iba ang sugatan sa naganap na suicide bombing sa isang police checkpoint sa northwestern Pakistan.

Naganap ang nasabing insidente sa Dera Ismail Khan district sa Khyber Pakhtunkhwa province.

Matapos ang pagsabog ay nakarinig pa ang mga otoridad ng sunod-sunod na putok ng baril.

Sinabi ni Police chief Safdar Baloch na karamihan sa mga nasawi ay mga security personnel at mga dumadaan na mga tao sa lugar.

Wala namang grupong umako sa naganap na pagsabog sa lugar.

Malaki naman ang hinala ng mga otoridad na maaring ang mga nasa likod ng pag-atake ay ang grupong Pakistan Taliban o kilala bilang TTP na naglunsad na ng pag-atake sa Pakistan noong nakaraan.