-- Advertisements --

Pinapalayas na sa kanilang bansa ang Bollywood actor na si Imran Khan.

Kasunod ito sa paglahok niya sa kilos protesta.

Ayon sa Overseas Citizen of India (OCI) na kailangan makaalis na sa India ang aktor ng hanggang Oktubre 28.

Ang aktor ay pamangkin ni Bollywood star Aamir Khan.

Isang American citizen si Khan at mayroogn Overseas Citizen of India (OCI) card na pinapayagan ang mga Indian national na bumisita at manatili sa kanilang bansa.

Noong Agosto kasi ay nagsagawa ng malawakang kilos protesta na nanawagan ang mga ito para sa pagbaba sa puwesto ni hief Election Commissioner Gyanesh Kumar.

Tiniyak naman ng abogado ng aktor na kanilang iaapila ang nasabing kaso sa Bombay High Court.

Sumikat ang aktor noong 2008 sa romantic comedy film na “Jaane Tu.. Ya Jaane Na”.